Pasahe sa LRT, hindi tataas

 

Hindi magpapatupad ng pagtataas sa singil sa pasahe ang Light Rail Transit Authority para sa LRT 1 at LRT-2.

Ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera, walang katotohan ang mga naglalabasan ng ulat na magtataas ng singil sa pasahe.

Status quo aniya ang lagay ng pamasahe sa LRT hanggang sa buwan ng Disyembre.

Mahabang proseso aniya ang pagdadaanan bago tumaas ang oamasahe.

Kailangan din aniyang balansehin ang kapakanan ng mga pasahero.

 

Read more...