Lumago ang ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng taong kasalukuyan.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, pumalo sa 7.6 percent ang gross domestic product sa unang tatlong buwan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Lumago ang ekonomiya kahit sa kabilang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Nabatid na mas mataas ang GDP sa ikatlong quarter kumpara sa 7.5 percent na GDP na naitala sa ikalawang quarter ng taong kasalukuyan.
Dahil ditto, nasa ikalawang puwesto ang Pilipinas sa mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations region na may magandang ekonomiya.
Nanguna sa listahan ang Vietnam na nakapagtala ng 13.7 percent na GDP.
MOST READ
LATEST STORIES