JRU player na si John Amores, pinatawan ng indefinite ban ng NCAA

 

Pinatawan ng indefinite ban ng National Collegiate Athletic Association si Jose Rizal university player John Amores.

Ito ay matapos pagsusuntukin ang mga kalabang player ng College of St. Benilde kahapon.

Kabilang sa mga pinagsusuntok ni Amores sina Mark Sangco, Jimboy Pasturan, Taine Davis at Migs Oczon.

Ayon sa NCAA, walang puwang sa kanilang hanay ang karahasan.

Hindi kinokondena ng NCAA ang ano mang uri ng karahasan na ginagawa ng mga player at iba pang miyembro ng organisasyon.

Sinuspende rin sina Sangko at CJ Flores ng dalawang laro dahil sa pangbabastos sa mga representatives ng NCAA.

Hindi rin makapaglalaro ng dalawang beses ang JRU players na sina William Sy at Ryan Arenal dahil sa kaparehong rason.

Read more...