Binigyan na ng greenlight signal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Energy (DOE) na ituloy na ang galugarin at i-develop ang offshore wind potential ng bansa para may mapagkunan ng malinis at sustainable energy.
Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, ginawa ng Pangulo ang utos matapos pulungin si Energy Secretary Raphael lotilla at iba pang opisyal ng DOE sa Palasyo ng Malakanyang.
Agad naman na idiniga ng DOE officials kay Pangulong Marcos na bumuo ng Offshore Wind Development and Investment Council na bubuuin ng ibatnibang tanggapan ng pamahalaan at magsisilbing one-stop shop para sa OSW developers.
Inaprubahan ito ni Pangulong Marcos pero iginiit na dapat na ang DOE ang huumawak sa regulatory functions para mapabilis ang koordinasyon at proseso.
“It should be the Department of Energy who should be talking with the OSW developers, in consultation with the council, of course. It has to be led by the DOE,” pahayag ni Pangulonng Marcos.
Iniulat ng DOE kay Pangulong Marcos na sa ngayon, mayroon nang 42 na aprubadong offshore wind contracts na may 31,000 Megawatts (MW) capacity.
Sinabi pa ng DOE na maraming pribadong kompanya mula sa Denmark, Norway at United Kingdom ang interesadong pumasok sa proyekto.
Base sa World Bank’s OSW Roadmap, may kapasidad ang Pilipinas na makapabuo ng 40 Gigawatts ng OSW electricity sa taong 2050.
“This is more than enough to cover the 500,000 MW projected peak demand the country will require by 2040 based on DOE’s medium to long-term power outlook,” pagbibigay ulat ni Lotilla kay Pangulong Marcos.
Bukod sa pagbibigay ng suplay sa enerhiya, sinabi ni Lotilla na kaya rin ng OSW projects na makapag-produce ng alternative fuels gaya ng Green Hydrogen.
Nilagdaan na ng DOE at ng Japanese at Australian firms ang memorandum of understanding para mapabilis ang hydrogen research.
Ayon sa DOE, maaring ma-convert ang hydrogen sa ammonia na pangunahing sangkap sa paggawa ng industrial fertilizers na ginagamit sa agrikultura.