Chop-chop na mga binti at braso ng tao, natagpuang nakasako sa Pasay City

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Natagpuang nakaso ang chop-chop na bahagi ng katawan ng tao sa bahagi ng Diokno Boulevard sa Pasay City.

Kuha ni Erwin Aguilon

Ayon kay Meniano Samaro, tindero sa lugar, magtatapon sana siya ng basura sa bahagi ng center island nang mapansin niya ang kulay puting sako kaninang alas 5:30 ng umaga.

Kukunin umano sana niya ang sako para gamitin sa kaniyang tindahan pero nang damputin at buksan niya ito ay nakita niya ang mga putol na bahagi ng katawan ng tao.

Kuha ni Richard Garcia

Nang dumating ang mga tauhan ng SOCO, natuklasan na ang laman ng sakop ay bahagi ng dalawang binti at paa at braso at kamay ng tao.

Inaalam pa kung mayroong residente sa lugar na nakakita kung sino ang nagtapon ng nasabing sako sa lugar.

Dinala na sa Veronica Funeral Homes ang mga chop-chop na katawan ng tao.

 

Read more...