US spy plane, dinikitan ng fighter jet ng China habang lumilipad sa East China Sea

U.S. Air Force file photo by Master Sgt. Lance Cheung
U.S. Air Force file photo by Master Sgt. Lance Cheung

Nagsagawa ng “unsafe intercept” ang fighter jet ng China sa spy plane ng Estados Unidos habang lumilipad sa international airspace sa East China Sea.

Ayon sa ulat, ang Boeing RC-135 aircraft nap ag-aari ng U.S. Air Force (USAF) ay nilapitan ng Cngedue J-10 fighter jet.

Ang nasabing insidente ay kinumpirma ng mga opisyal ng Defense Department ng Estados Unidos.

Ayon sa mga opisyal, itinuturing nilang “unsafe” ang ginawa ng China dahil ang nasabing jet ay dumikit ng halos 30 meters lamang ang layo sa RC-135 spy plane.

Habang papalapit, lumipad pa umano ang Chinese fighter jet sa pinakamataas na rate of speed nito.

Ayon sa U.S. defense officials, nagsasagawa ng routine reconnaissance mission ang RC-135 nang maganap ang insidente.

Magugunitang noong nakaraang buwan, dinikitan din ng dalawang Chinese fighter aircraft ang U.S. EP-3 Aries na lumilipad naman sa South China Sea.

 

 

Read more...