Philhealth nagpasaklolo sa PNP cybercops versus fake IDs

Humingi na ng tulong ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa PNP Anti-Cybercrime Group para hanapin at maaresto ang mga nasa likod ng pagkalat ng mga pekeng Philhealth IDs.

Pumirma ang mga opisyal ng dalawang tangggapan sa isang memorandum of understanding (MOU).

Ibinahagi ni PhilHealth Regional Office NCR Vice President Bernadette Lico na 38 reklamo ang kanilang natanggap simula noong 2020 at karamihan ay ukol sa fake Philhealth IDS.

Ang nangyayari, nag take advantage po yung mga kawatan natin na kumuha ng mga ganitong online services, nagchacharge sila ng fee. Ang masama po diyan ang lumalabas na IDs is fake po yung number. So na-rerealize lang po nila ito kapag nagpupunta sila sa hospital at naconfine na, hindi nag-reregister yung name nila sa database namin at yung number,” paliwanag ni Lico.

Nabatid na naniningil ng hanggang P400 ang online fixers bawat transaksyon.

Sinabi pa  ni Lico na may mga kaso na rin ng ‘identity theft,’ kung saan naaagaw ang mga benepisyo ng mga lehitimong miyembro.

Bumuo na ang Philhealth ng task force, ngunit nakipagkasundo ang ahensiya sa PNP ACG para sa mas masusing pag-iimbestiga.

 

Read more...