35,000 na pabahay para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda tatapusin sa 2023 ayon sa NHA

(Courtesy: NHA)

Target ng National Housing Authority na tapusin na ang 35,000 na target na pabahay sa mga biktima ng Bagyong Yolanda sa taong 2023.

Sa paggunita sa ika-9 na anibersaryo ng Bagyong Yolanda ngayong araw, sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai, matagal nang overdue ang pabahay.

Panahon na aniya na tuparin ng NHA ang pangako na bibigyan ng pabahay ang mga biktima ng Bagyong Yolanda sa Visayas region.

Ginawa ni Tai ang pangako sa unang 100 araw sa trabaho sa NHA.

“Hindi na namin paaabutin ng 10th year anniversary ng Yolanda, dahil next year tapos na ang construction ng mga housing units,” pahayag ni Tai.

Ayon kay Tai, dahil sa pakikipag-ugnayan sa local government units, malapit nang makumpleto ng NHA ang kabuuang 209,218 na housing units.

“We will finish the construction of the remaining 35,000 housing units by next year and immediately turn over these houses to the Yolanda-affected LGUs,” pahayag ni Tai.

Nasa 95 percent na aniyang nakumpleto ng NHA ang Yolanda Housing Program.

Nasa 165,383 housing units at 211 projects na ang natapos ng NHA at nai-turn over na sa local government units.

“My mission is that by the end of the year, there will be no vacant housing units, and all houses built by the NHA shall immediately be released to the qualified beneficiaries,” pahayag ni Tai.

 

 

Read more...