Bagong schedule sa mga malls sa Metro Manila, aarangkada na sa Nobyembre 14

 

Magpapatupad ang Metro Manila Development Authority at mall owners at operators ng bagong schedule ng mall hours sa Metro Manila.

Ito ay bilang paghahanda na rin sa pagdagsa ng mga mamimili ngayong panahon ng Pasko.

Simula sa Nobyembre 14, 2022, bukas ang mga malls sa Metro Manila ng 11:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi. Tatagal ito ng hanggang Enero 6, 2023.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Attorney Romando Artes, bunga ito ng consultative meeting sa mga major stakeholders sa MMDA New Building sa Pasig City.

“Starting November 14, malls in NCR will operate from 11am to 11pm instead of their usual operating hours. We have to implement remedial measures to reduce traffic congestion,” pahayag ni Artes.

“Mall-wide sales will be only allowed during weekends. Also, deliveries will be from 11:00 pm to 5:00 am only. Exempted from the regulation are deliveries of perishable goods, restaurants serving breakfast, and groceries,” pahayag ni Artes.

Pinagsusumite ang mga shopping malls operators ng traffic management plan dalawang linggo bago ang magsagawa ng mall sales.

“We will make a further study on their traffic management plan. We will deploy a necessary number of traffic enforcers to man the traffic,” pahayag ni Artes.

Ayon kay Artes, maari namang baguhin ang mall operating hours ng mas maaga bago ang Enero 6 depende sa sitwasyon ng daloy ng trapiko.

“We will observe the traffic situation in the metropolis on December 26. If the traffic is normal and manageable, we will immediately lift the restrictions and announce it to the public,” pahayag ni Artes.

Magpapatupad din aniya ang MMDA ng temporary suspension sa lahat ng excavation activities sa mga national roads sa Metro Manila simula sa Nobyembre 14, 2022 hanggang sa Enero 6, 2023.

Kabilang na ang road reblocking works, pipe laying, road upgrading, at iba pang excavation works.

Hindi naman saklaw ng kautusan ang mga proyekto na: Projects not

 

Read more...