Abra niyanig ng 2.9 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 2.9 magnitude na lindol ang Abra kaninang 6:10 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na isang kilometro.

Naramdaman ang Intensity II sa Bangued at Langiden sa Abra.

Naramdaman naman ang Intensity I sa La Paz sa Abra.

Wala namang inaasahang mga aftershocks o tsunami matapos ang lindol.

Wala ring naiulat na nasirang ari-arian.

Read more...