Vargas, bilib sa award-winning projects ni Mayor Joy
By: Chona Yu
- 2 years ago
Pinapurihan ng dating kongresista at kasalukuyang konsehal na si Alfred Vargas ang kakatapos na State of the City Address (SOCA) ni Mayor Joy Belmonte.
“Masarap at nakakaproud talaga maging isang QCitizen. Napaka-impressive ng mga nagawang programa at proyekto ng lungsod sa pamumuno ni Mayor Joy,” sabi ni Vargas.
Bilang dating Chairperson ng Committee on Social Services ng Kamara, bilib si Vargas sa mga social welfare programs ni Mayor Joy na aniya ay modelo para sa ibang LGUs. Naging kilala rin ito sa mga award-winning na programang pangkalusugan.
“Isang malaking tagumpay na 1:1 na ang ratio ng ating mga doktor at health centers dito sa Quezon City. Ang COVID vaccination rate ng ating lungsod ay excellent. Napakarami rin ang nabigyan ng mga libreng gamot at maintenance medicines,” sabi ni Vargas.
Ayon kay Vargas, hanga rin siya sa lubos na pagtaas ng bilang ng scholars, sa epektibong approach ni Mayor Joy sa housing, at sa e-governance initiatives ng lungsod kaya hindi siya nagugulat na lalong nakikilala ang Quezon City sa international community bilang ehemplo, maging sa climate change at gender equality.
“Tunay ngang matagumpay na naiahon ni Mayor Joy ang Quezon City mula sa pandemya. Swerte ang Quezon City sa ating hardworking, progressive, at innovative leader,” dagdag ni Vargas.