Bodega ng mani at monggo, nasunog sa Maynila

fireAabot sa P300,000 halaga ng pinsala ang iniwan ng sunog na tumupok sa isang bodega sa #437 Clavel St. San Nicolas, Binondo Maynila.

Nagsimulang sumiklab ang apoy alas 9:03 ng gabi kagabi na mabilis na umakyat sa ikalawang alarma at naapula pasado alas 11:00 ng gabi.

Isang Audi Miranda ang nangungupahan sa nasabing bodega ng mani at monggo.

Wala namang naitalang nasaktan sa insidente at walang nadamay na ibang establisyimento.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon upang matukoy kung ano ang naging sanhi ng sunog.

 

Read more...