Ilang bayan sa La Union at Ilocos Sur, 10 oras mawawalan ng kuryente ngayong araw

INQUIRER FILE PHOTO/ MARIANNE BERMUDEZ
INQUIRER FILE PHOTO/ MARIANNE BERMUDEZ

Sampung oras na mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bayan sa lalawigan ng La Union at Ilocos Sur ngayong araw ng Miyerkules.

Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) magsisimula ang power interruption ngayong alas 7:00 ng umaga at tatagal hanggang alas 5:00 ng hapon mamaya.

Sinabi ng NGCP na apektado ng power interruption ang mga lugar na sinusuplayan ng LUELCO-Balaoan Substation at Bacnotan Substation.

Isasailalim umano sa taunang maintenance ang 100MVA power transformer sa lugar.

Kabilang sa mga apektadong bayan ay ang Bacnotan, Balaoan, San Gabriel, Santol, Luna, Bangar, Sudipen, ilang bahagi ng San Juan sa La Union at ibang lugar sa Sugpon, Ilocos Sur.

 

 

Read more...