Bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong buwan ng Setyembre.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nasa 2.50 milyong Filipino na nag-eedad 15 anyos pataas ang walang trabaho. Mas mababa ito sa 2.68 milyon na bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong buwan ng Agosto.
Nangangahulugan ito ng pagbaba ng 5 percent na unemployment rate.
Bagamat bumaba ang bilang ng walang trabaho, tumaas naman ang underemployment.
Ayon sa PSA, umabot sa 7.33 milyon na Filipino o nangangahulugan ng 15.4 percent ang naghahanap ng extra na trabaho.
Mas mataas ito ng 14.7 percent o 7.03 milyon na underemployment rate na naitala noong Agosto 2021.
Bahagya namang gumanda employment rate noong Setyembre na pumalo sa 95 percent o nangangahulugan ng 47.58 milyon kumpara sa 94.7 percent o 47.87 milyon noong Agosto.
Nabatid na ang employment rate noonng Setyembre ang pinamakataas na naitala simula noong Setyembre 2020.