Ipinagmalaki ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagtaas ng tax collection ng lungsod mula 2019 hanggang 2021.
Sa ika-apat na State of the City Address, sinabi ni Belmonte na umabot na sa P22 bilyon ang nakolektang buwis ng lungsod kumpara sa P15.2 bilyon na nakolekta noong 2018.
Kasabay nito, ibinida rin ni Belmonte ang hinakot na parangal ng lungsod mula sa Department of the Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, at iba pang local government unit highly urbanized competition.
Tumanggap din aniya ng qualified opinion ang QC government mula sa Commission on Audit na patunay namaayos ang paggastos sa pondo.
Ibinida rin ni Belmonte ang itinulak na E-Governance kung saan naging electronic at napabilis na ang mga transaksyon sa gobyerno.
Ipinagmalaki din ni Belmonte na forever na ang Libreng Sakay program sa lungsod kung saan nasa P9.7 milyon ang inilaang pondo.
May mga tablets aniya o gadget na magagamit ang mga estudyante at mga guro para sa kanilang online classes.
Wala rin aniyang problema sa sector ng kalusugan dahil one is to one ang ratio nito.
May nakalaang pondo rin aniya ang lokal na pamahalaan para pabahay ssa mga informal settler.