18 LGUs tampok sa 2022 Galing Pook Award

Isinapubliko na ng DILG ang listahan ng 18 programa ng ibat ibang lokal na pamahalaan sa buong bansa na pasok sa 2022 Galing Pook Awards. Mula sa 196 programa , 18  ang umusad sa site validation stage at interview ng National Selection Committee na isinagawa noong  Setyembre hanggang noong nakaraang buwan. Ang finalists ay ang mga  sumusunod; 1. Alcala, Cagayan 2. Bacoor City Cavite: 3. Basilan Province 4. Bataan Province 5. Bataan Province 6. Biñan City, Laguna 7. Cagayan de Oro City 8. Barangay Cayabu, Tanay Rizal 9. Davao City 10. Goa, Camarines Sur 11. Barangay Hayanggabon, Claver, Surigao del Norte 12. Iloilo City 13. Itbayat, Batanes 14. Libertad, Antique 15. Paglat, Maguindanao 16. Palayan, Nueva Ecija: 17. Piddig, Ilocos Norte at 18. Pulilan, Bulacan. Ayon kay Georgina Hernandez Yang, executive director ng Galing Pook Foundation, sumentro ang mga programa sa mga usapin sa agrikuktura, kalusugan, education, disaster risk reduction, peace and development, poverty alleviation, heritage and tourism, at digital governance. Sinabi ni Sec. Benhur Abalos, sinusuportahan nila ang mga ganitong programa na nagsusulong na  maging isang mahusay na modelo at magkaroon ng makabagong programa ang mga LGU. Sa datos ng Galing Pook, umabot na 329 programa mula sa 200 LGUs ang pinarangalan at kinilala  simula nang ilunsad ito katuwang ang DILG. Nakatakda naman isagawa ang 2022 Galing Pook Awards Ceremony sa darating na Nobyembre 22.

Read more...