Malakanyang umaasang mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Percy Lapid

 

Umaasa ang Palasyo ng Malakanyang na mabibiggyan na ng hustisya ang pagkamatay ng broadcaster na si Percy Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos sampahan ng kasong murder ng National bureau of Investigation at Philippine National police si Bureau of Corrections chief Gerald Bantag at iba pa dahil sa pagpatay lay Lapid.

Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, alam na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kinasuhan na si Bantag.

“The President is aware of the situation and hopefully it will pave the way para talagang justice will be served to the family of Mabasa,” pahayag ni Garafil.

Bukod kay Bantag, kinasuhan din si BuCor Director for Security and Operations Senior Supt Ricardo Zuelueta, ang mga persons deprived of liberty na si sina Denver Mayores, Alvin Labra, Aldrin Garcia, Alfie Penaranda at iba pa.

 

 

 

Read more...