Suspended BuCor chief Gerard Bantag inginuso sa Percy Lapid slay-case

Naniniwala ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General  Gerard Bantag ang nagpapatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Kayat nangunguna si Bantag sa mga kinasuhan ng murder ng NBI at PNP bukod pa kay BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta at mga ‘commander’ ng tatlong grupo ng mga bilanggo sa pambansang piitan.

Idinadawit din sila sa pagpatay kay Jun Villamor, ang itinurong kumontrata naman kay Joel Escorial, ang sumuko at umamin na pumatay kay Mabasa noong Oktubre 3.

Sinabi ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na ang pagsasampa ng kaso ay base sa mga testimoniya ng mga may nalalaman ukol sa pagpatay kina Mabasa at Jun Villamor.

Pagtitiyak naman ni Remulla na ibibigay nila kay Bantag ang lahat ng pagkakataon para masagot niya ang mga alegasyon.

Samantala, umapila naman si Interior Sec. Benhur Abalos kay Zulueta na sumuko na matapos  madiskubre na ilang araw na itong hindi nagre-report sa Bilibid at pinaniniwalaan na nagtatago na.

 

Read more...