Umabot na sa P3.16 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa Bagyong Paeng.
Ayon sa Department of Agriculture, ang mga magsasaka sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at Soccsksargen regions ang labis na naapektuhan ng bagyo.
Nasa 197,811 metrikong tonelada ng produktong agrikultura ang nasira.
Nasa 84,677 hectares ektaryang agricultural areas ang naapektuhan ng bagyo.
Kabilang sa mga pananim na nasira ng bagyo ang palay, mais, high value crops, fisheries, livestock at poultry.
May mga nasira rin na agricultural infrastructures, machinery at equipment.
Ayon sa DA, mayroong P1.74 bilyong halaga ng binhi ng palay, P11.5 milyong halaga ng buto ng mais at P20 milyong halaga ng ibat ibang klase ng gulay ang ipamimigay sa mga magsasaka.
Mayroon ding P176,000 halaga ng animal heads, drugs at biologics ang ipamamahagi sa mga apektado sa livestock at poultry.
Mamimigay din ang Bureau of Fishiries and Aquatic Resources ng fingerlings at iba pang uri ng assistance.
Mayroong nakalaan na P400 milyong pondo para sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) kung saan maaring mag-loan ang mga magsasaka ng hanggang P25,000.
Maaring bayaran ang loan ng hanggang tatlong taon at walang interes.
Pinapayuhan ang mga apektadong mga magsasaka na makipag-ugnayan sa Department of Agriculture para makakuha ng ayuda.