Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga tindero na lumahok sa “Kadiwa ng Pasko” sa Rasac covered court sa Sta. Cruz sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa Pangulo, napakahalaga ng tulong ng mga tindero dahil sa pagbebenta ng mga local products sa mas murang halaga.
“Nais kong batiin ang ating mga sellers sa ating Kadiwa ng Pasko na trial run. Maraming, maraming salamat at kayo ay nakilahok dito sa aming bagong programa na sana, ‘pagka ito ay lumawak at dumami, ay makakatulong sa taumbayan lalong-lalo na at papasok na tayo ng Pasko kaya’t ang tulong ninyo ay napakahalaga,” pahayag ng Pangulo.
Dadalo sana ang Pangulo pero sa hindi malamang dahilan ay hindi na tumuloy.
Kabilang sa mga ibinibenta sa Kadiwa sa Pasko ang mga gulay, prutas, at iba pa.
“Maraming,maraming salamat sa inyo sa tulong na ibinibigay ninyo sa programa natin para maging matagumpay ang ating pagtulong sa ating kapwa Filipino,” pahayag ng Pangulo.
Bukas ang Kadiwa ng Pasko tuwing araw ng Sabado at Linggo sa buong buwan ng Nobyembre mula 5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.
Pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta dahil sarado ang kalsada mula Rizal Avenue hanggang Ipil Street pati na ang isang lane ng Quiricada Street mula Ipil Street hanggang sa Rizal Avenue.