South China Sea dispute, tatalakayin ni Pangulong Marcos sa Asean Summits

Ididiga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang usapin sa South China Sea dispute sa 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations Summits and Related Summits sa Phnom Penh, Cambodia sa Nobyembre 10 hanggang 13.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Daniel Espiritu, tatalakayin ng Pangulo ang South China Sea dispute sa lahat ng mga pagpupulong sa ibang bansa.

“The South China Sea will also be there because we always carry that in all of our meetings in the international fora,” pahayag ni Espiritu.

Bukod sa South China Sea, tatalakayin din ng Panngulo sa Asean Summits ang usapin sa post-pandemic economic recovery at transformation.

Tatalakayin din ng Pangulo ang usapin sa food security, energy security, digital transformation at digital economy pati na ang climate change.

 

 

Read more...