(Courtesy: DAR)
Binigyan ng ayuda ng Department of Agrarian Reform ang mga magsasaka sa North Cotabato.
Ayon kay Charish Paña, Provincial Agrarian Reform Program Officer II, aabot sa P450,000 ang kabuuang halaga ng coconout ool presser na may crusher ang ibinigay sa mmga magsasaka para sa produksyon ng virgin coconut oil.
Ayon kay Paña, ang pagkakaloob ng farm equipment at iba pang suporta sa Bagong Pag-Asa Credit Cooperative ng New Panay, Pigcawayan, ay alinsunod sa direktiba nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DAR Secretary Conrado Estrella III na mapabuti ang pamumuhay ng mga agrarian reform beneficiaries.
Bukod sa equipment, isinama sa suporta ang serye ng mga pagsasanay sa climate change mitigation, at adaptation, organic farming, waste management at value-adding, at iba pang institusyonal na interbensyon upang maseguro ang tamang pamamahala at pagpapanatili ng proyekto.
Nagapasalamat si Seminiana Bawik, Cooperative Project Manager, dahil sa patuloy na suportang ibinibigay ng DAR sa kanilang samahan, lalo na sa kanilang pakikipagsapalaran sa pagproseso ng VCO.
“Nakita namin ang potensiyal ng VCO bilang mapagkakakitaan ng aming kooperatiba at lalo ito sumikat noong kasagsagan ng pandemya ng COVID-19 dahil sa mga naiulat na may healing property ito,” ayon kay Bawik.