Bangkay ng middleman sa Percy Lapid murder case iuuwi na sa Leyte

 

Iuuwi na ngayon sa Leyte ang bangkay ng bilanggo na Jun Villamor, ang itinuturong middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, 4:00 mamayang hapon, isasakay sa eroplano ang bangkay ni Villamor.

Matatandaang sumailalim sa re-autopsy ni Doctor Racquel Fortun ang bangkay ni Villamor kung saan nabatid na nasawi ang bilanggo sa suffocation sa pamamagitan ng plastic bag.

Pinatay si Lapid sa Las Pinas City noong Oktubre 3 matapos barilin ng gunman si Joel Escorial.

Sa salaysay ni Escorial, may bilanggo sa New Bilibid Prison ang nag-utos sa kanya na patayin si Lapid sa halagang P550,000.

 

Read more...