Ilang lugar positibo sa red tide

Positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang mga shellfish na nakokolekta sa karagatan ng Milagros, Masbate, Sapian Bay (Ivisan at Sapian),Roxas City, Panay, President Roxas at Pilar sa Capiz.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources positibo rin sa red tide ang karagatang sakop ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat sa pagkain sa shellfish.

Ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain ng Acetes sp. o alamang.

Maari naming kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango.

Kinakaailangan lamang na tanggalin ang hasang, hugasan at lutuing mabuti.

Read more...