Presyo ng gasolina tataas sa susunod na linggo

Tataas ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy na nasa P45 hanggang P1.00 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina.

Pero sinabi ni Romero na bababa naman ang presyo ng diesel at kerosene.

Nasa P.60 hanggang P.75 kada litro ang ibababa sa diesel at P.75 hanggang P.85 ang ibaba sa presyo ng kerosene kada litro.

“Maraming nagli-linger na factors sa merkado. Ilan sa kadahilanan sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay iyong winter season, iyong seasonality of demand. Alam naman po natin kamukha sa LPG, ginagamit po siyang heating fuels sa northern hemisphere countries,” pahayag ni Romero.

“Tapos po kung natatandaan ninyo rin po na itong buwan ng Nobyembre ang sinabing production cut na gagawin ng OPEC member-countries, at hindi pa rin po naman nasosolusyunan iyong geopolitical conflict na nangyayari sa Russia at saka sa Ukraine. So, those are the factors na magku-contribute para tumaas,” dagdag ni Romero.

Ayon kay Romero, may mga aspekto naman para bumaba ang presyo ng produktong petrolyo.

Halimbawa naa ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“Kasi po, iyon nga pong takot, nauna nga pong sinabi iyong inflation, ‘di po ba? So, may takot po, may pangamba na dahil sa pagtaas ng bilihin ay magkakaroon ng global inflation at the same time ay magkakaroon ng global recession. So, kapag nangyari po iyon ay may tsansa pong bumaba ang demand. So, sa pagbaba po ng demand ay maaaring bumaba din po iyong presyo ng produktong petrolyo,” pahayag ni Romero.

Isa rin aniya sa aspekto ng pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ay ang nangyaring pandemya sa COVID-19.

“At saka isa pa pong kadahilanan ay iyong pag-surge pa rin ng COVID sa China. Alam naman po natin na malaking importer ng petroleum products or crude ang China. In fact, kaya po magkakaroon ng pagbaba ng presyo next week sa diesel ay dahil po naglabas, nag-export po ng maraming produktong diesel ang China dahil po sa pag-surge ng kanilang COVID,” pahayag ni Romero.

“So, those are the factors na magku-contribute para tumaas at bumaba; naghahatakan lang po. Kung ano iyong mas nangingibabaw, iyon po ang magiging dahilan para sa paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo,” pahayag ni Romero.

 

 

Read more...