Itinanggi ni Budget Sectetary Butch Abad ang bintang na pinigil nila ang benepisyo ng labing anim na abugado ng Public Attorney’s Office o PAO.
Nilinaw ni Abad na hinihintay nila ang legal opinion ng Department of Justice (DOJ) dahil may conflict sa interpretasyon ng ilang probisyon ng National Prosecution Service Law sa sakop ng kanilang retirement benefits.
Ang labing anim na abugado ay nagsampa ng damage suit laban kay Abad dahil sa pag-ipit umano sa kanilang retirement benefits.
Siniguro ng kalihim na ibibigay nila ang kabuuan ng lahat ng benepisyo ng labing anim na abugado sa sandaling maging paborable sa kanila ang opinyon ng DOJ, katulad ng retirement package na ibinibigay sa mga prosectors at judges sa ilalim ng NAPROS law.
Sinabi ni Abad na kinikilala niya ang hindi matawarang serbisyo ng PAO lawyers sa pagtatanggol ng libre sa mga mahihirap na Pilipino, at wala aniya siyang masamang motibo para harangin ang P139 million na kabuuang benepisyong dapat tanggapin ng mga nagsakdal sa kanya.