Bunga nang pagbaba ng halaga ng piso kontra sa dolyar, lumubo na sa pinakamataas na P13.52 trilyon ang utang ng Pilipinas hanggang noong Setyembre.
Ito ang sinabi ng Bureau of Treasury (BTr) at ang pagtaas ay 3.8 porsiyento o P495.54 bilyon ng nabanggit na buwan.
Nagpakita din ito na sa mula Enero hanggang noong Setyembre, ang pambansang utang ay nadagdagan ng P1.79 trilyon o 15.2 porsiyento simula noong Disyemnre ng nakaraang taon.
Nabatid na P9.30 trilyon ng nabanggit na halaga ay panloob na utang o tumass ng P13.8 porsiyento sa simula ng kasalukuyang taon.
Samantala, ang foreign debt o panlabas na utang ng bansa ay umangat din sa P4.22 trilyon, na 3.4 porsiyento na mas mataas kumpara sa pagtatapos ng buwan ng Agosto.
“The increment in the level of external debt was due to the ₱179.69 billion impact of local currency depreciation against the USD,” ayon sa kawanihan.