Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglagda sa Metro Manila Subway Project (MMSP) Contract Packages 102 at 103.
Ito ay ang kontrata para sa pagtatayo sa Quezon Avenue at Anonas at Camp Aguinaldo Station na parte ng pitong kontrata para sa subway project.
Ginawa ang paglagda sa kontrata sa Palasyo ng Malakanyang.
Umaasa ang Pangulo na dahil sa bagong proyekto, lalong lalakas ang economic development ng bansa.
“The signing of these contract packages is a clear demonstration of this administration’s commitment to pursuing big infrastructure projects that will foster growth and revitalize the economy,” pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na kapag nakumpleto na ang subway sa taong 2028, maari itong makapag accommodate ng kalahating milyong pasahero kada araw sa biyaheng 35 minuto mula sa dating isang oras at 20 minuto na biyahe ng bus mula Quezon City patungo sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.
Sinabi pa ng Pangulo na kapag natapos na ang subway, wala nang makikitang tao na nakapila sa kalsada at naghihintay ng masasakyang bus.
Tiyak aniyang mababawasan na rin ang reklamo ng mga pasahero.
Pinasalamatan ng Pangulo ang pamahalaan ng Japan at ang Japan International Cooperation Agency (JICA) dahil sa pagbibigay ng kinakailangan na financial support.
Pnasamalamatan din ng Pangulo ang Nishimatsu-DMCI Joint Venture at Sumitomo Mitsui Construction dahil sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr) para maselyuhan ang kontrata.