Ragos hindi pinilit na tumistigo laban kay de Lima

(Kuha ni Jun Corona)

Naglabas ng mga ebidensya si dating Justice Secretry Vitaliano Aguirre para patunayan na hindi pinilit si dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafel Ragos na magbigay ng testimonya laban kay dating Senador Leila de Lima.

Ito ay may kaugnayan sa kasong illegal na droga na kinakaharap ni de Lima dahil sa umanoy pagtanggap ng drug money mula sa mga bilanggo sa New Bilibid Prison.

Personal na nagtungo si Aguirre sa tanggapan ng Department of Justice para ipakita ang mga video na nagsisilbi niyang ebidensya.

Sinabi pa ni Aguirre na kuha ang video ng Public Attorney’s Office.

Makikita aniya sa video na hindi pinilit at malayang nagbigay ng salaysay si Ragos.

Paliwanag ni Aguirre, kaya hindi niya iprinisinta ang video sa korte bilang ebidensya dahil hindi pa naman siya ipinatatawag ng korte.

Nasa isang oras at dalawampung minuto ang video na hawak ni Aguirre.

Read more...