Tuluyan nang tinanggalan ng lisensya ng Land transportation office ang dalawang drayber na sangkot sa magkahiwalay na aksidente sa Paranaque City.
Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, base sa inilabas na resolusyon, napatunayang sangkot sa reckless driving at Improper Person to Operate Motor Vehicles sina Raymond ZApirain at Rodolfo Cudiamat.
Kapwa pinatawan din ang dalawang drayber ng P2,000 multa dahil sa reckless driving at sila ay habambuhay na diskwalipikadong makakuha ng lisensya at makapagmaneho ng sasakyan.
Nakabase ang resolusyon sa resulta ng imbestigasyon ng LTO Intelligence and Investigation Division (IID) katuwang ang LTO NCR-Wes.
Sa ilalim pa ng mga resolusyon, inatasan sina Zapirain at Cudiamat na isuko ang kanilang mga driver’s license sa LTO NCR-West Trafffic Adjudication Section.
Si Zapirain ang nakarehistrong may-ari at drayber ng Mitsubishi Pajero na nakasagasa sa 63-anyos na street sweeper na si Doreen Bacus nuong Setyembre 24, 2022 sa kanto ng Elizalde Avenue at Aguirre Avenue, Brgy. BF Homes, Parañaque City.
Si Cudiamat naman ang drayber ng sasakyan na sangkot sa hit-and-run sa dalawang bata na naglalakad sa kanto ng Bodoni Street at Extra Street, 4th Estate, Barangay San Antonio, Paranaque City nuong Setyembre 20. Ang insidente ay nagresulta ng pagkamatay ng tatlong taong gulang habang sugatan din ang kanyang kasamang bata.
Ayon kay Guadiz, ang desisyon ng LTO laban sa dalawang drayber ay patunay lamang na seryoso ang kampanya para mai-alis sa mga lansangan ang mga iresponsableng drayber na nagbabalewala ng mga batas-trapiko at naniniwalang kanilang matatakasan ang paglabag.
“Our roads have no room for these types of ill-disciplined drivers who continue to ignore our traffic laws, even to the point of feigning innocence that what happened was an accident. Traffic laws are in place for the safety of both motorists and pedestrians, and the LTO cannot allow these drivers to continue operating motor vehicles without regard to safety. They must suffer the consequences of their actions,” pahayag Guadiz.