Nagpadala na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 28-man team sa Maguindanao.
Ito ay para tulungan ang mga apektadong komunidad sa Maguindanao na nasalanta ng Bagyong Paeng.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, galing sa Public Safety Division ang mga pinadalang tauhan sa Maguindanao.
“The team will set up water purifiers in various communities with limited to no supply of clean water. Some will also help in the ongoing operations to clear the roads affected by massive flooding and landslides,” pahayag ni Artes.
Ipinadala ni Artes ang mga tauhan kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tulungan ang mga nasalanta ng bagyo.
Bitbit ng MMDA personnel ang 40 units ng portable water purification systems na may kapasidad na mag-filter ng 180 gallons ng tubig kada oras.
Bitbit din ng MMDA personnel ang mga materyales sa road clearing operations.
Inatasan ang MMDA personnel na makipag-ugnayan sa 6th Infantry Division ng Philippine Army.
Mananatili ang MMPD personnel sa Maguindanao province sa loob ng 15 araw.