78 na truck ng basura, nakolekta sa Manila North at South Cemetery

Umabt sa 78 na truck ng basura ang nakolekta sa Manila North at South Cemetery sa panahon ng Undas mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 2, 2022.

Ayon kay Attorney Princess Abante, tagapagsalita ni  Manila Mayor Honey Lacuna, nasa 36 na truck ng basura ang nakolekta sa Manila North Cemetery. Nangangahulugan ito ng 378 cubic meters o 108 metric tons ng basura.

Nasa 42 na truck ng basura naman ang nakolekta sa Manila South Cemetery. Nangangahulugan ito ng 308 cubic meters o 88 metric tons ng basura.

Sa kabuuan, nasa 78 na truck ng basura ang nakolekta sa dalawang sementeryo o nangangahulugan ng 686 cubic meters o 196 metric tons ng basura.

Nabatid na ang 78 truck ng basura ay mas mataas sa 34 truck ng basura na nakolekta sa dalawang sementeryo noong 2019.

Ayon kay Abante, maaring tumaas ang nakolektang basura dahil sa mga nagbagsakan na puno at mga nalaglag na dahon dulot ng Bagyong Paeng.

Matatandaang sarado ang mga sementeryo noong 2020 at 2021 dahil sa pandemya sa COVID-19.

 

 

Read more...