Clinton vs. Trump sa November elections

 

Mula sa inquirer.net/AP

Malaki ang posibilidad na sina Hillary Clinton at Donald Trump ang magkaharap sa eleksyon sa Estados Unidos sa buwan ng Nobyembre.

Ito’y matapos makuha ni Clinton ang nasa 2,383 delegado upang ituring na presumptive presidential nominee ng Democratic Party, ayon sa tally ng Associated Press.

Sakaling mahirang, si Clinton ang magiging kauna-unahang babae na pangungunahan ang isang major political party sa Amerika.

Sa kabila nito, hindi pa rin nagiging kampante si Clinton at nangakong ipagpapatuloy ang kampanya upang makuha ang nominasyon ng mga delegado.

Ang pinal na Democratic Party primary ay isasagawa sa susunod na linggo sa District of Columbia.

Kalaban ni Clinton sa pagkuha ng boto ng mga delegado para maging manok ng Democrats si Vermont Senator Bernie Sanders.

Sinuman kina Clinton o Sanders ang mapili ng Democrats ay makakaharap ang bilyonaryong si Donald Trump ng Republican party sa November elections.

Read more...