Umabot na sa 256,000 na pasahero ang namonitor ng Philippine Cost Guard na bumiyahe sa Undas.
Ayon sa PCG, sa naturang bilang, 30,008 ang outbound passengers habang nasa 225,965 ang inbound passengers sa mga pantalan at waterways sa buong bansa.
Nasa 2,544 na personnel ng PCG ang ipinakalat sa ibat ibang pantalan para mag-inspeksyon sa 377 na vessels at 423 na motorbancas.
Tiniyak naman ng PCG na patuloy na ipatutupad ang maritime security at maritime safety sa mga pantalan.
Mahigpit din na ipinatutupad ng PCG ang mga inilatag na health protocols ng pamahalaan kontra COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES