MMDA: Pagbabalik ng No Contact Apprehension Policy, fake news!

Pinabulaanan ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kumakalat sa social media na muling ipapatupad ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) simula sa Nobyembre 15.

“Ang mensahe na kumakalat sa social media tungkol sa umano’y muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) simula November 15 ay peke at hindi nanggaling sa MMDA,” ang paglilinaw ng MMDA sa kanilang official Facebook account.

Ipinakita pa ng MMDA ang ‘screencap’ ng sinasabing mensahe, na sinabing babantayan na ang mga motorista sa pamamagitan ng CCTV cameras.

Magugunita na nagpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) kayat sinuspindi ng Land Transportation Office at MMDA ang pagpapatupad ng NCAP.

Itinakda ng Korte Suprema ang simula ng oral arguments ukol sa NCAP sa Enero 24 sa susunod na taon

Paalala lang din ng MMDA sa publiko na huwag agad-agad paniniwalaan ang mga mensahe na hindi mula sa mga kinauukulang ahensiya.

 

Read more...