Umabot na sa P2.74 bilyon ang halaga ng agrikultura ang nasira sa bagyo.
Ayon sa Department of Agriculture, nasa 74, 944 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.
Nasa 111,831 metrikong tonelada ng produktong agrikultura ang nasira kung saan nasa 82,380 ektaryang sakahan ang naapektuhan.
Ang mga magsasaka at mangingisda sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at Soccsksargen regions ang labis na naapektuhan.
Kabilang sa mga nasira ang mga pananim na palay, mais, high value crop, fisheries, livestock at poultry.
Tiniyak naman ng DA na may nakahandang pondo ang kagawaran para ipang-ayuda sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.