Anak ni Justice Secretary Remulla, sumalang na sa preliminary investigation

 

Dumalo sa preliminary investigation ang anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na si Juanito Remulla III sa Pasay City  Prosecutor’s Office.

Ito ay may kaugnayan sa kasong illegal na droga kung saan nakumpiskahan ang nakababatang Remulla ng isang kilo ng kush, isang mataas na klase ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

Nakasuot ng kulay itim na hoodie at naka-sunglasses nang dumating si Remulla.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Remulla sa mga kagawad ng media.

Matatandaang naaresto si Remulla matapos magsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Las Pinas noong October 11.

 

 

Read more...