COVID-19 vaccination sa mga malls sa QC, ititigil na

QC LGU photo

 

Simula ngayong weekend, tutuldukan na ng pamahalaan ng Quezon City ang COVID-19 vaccination program sa mga kapartner na mga shopping mall.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga nagnanais na magpabakuna na magpa-rehistro at mag-book sa QC Vax Easy Plus ng QC local government unit.

Maari ring magtungo ang mga nagnanais na magpabakuna sa pinakamalapit na health center sa kani-kanilang mga barangay.

Bukas ang mga health center mula Lunes hanggang Biyernes ng 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Pinapayuhan ang magpapabakuna na dumating sa mga vaccination site ng 15 minuto bago ang naka-schedule na pagpapabakuna.

 

Read more...