Supermajority kasado na rin sa Senado; Pimentel itutulak bilang SP

 

Inquirer file photo

Isang ‘supermajority’ ang napipintong mabuo sa Senado ngayong sasama na sa Partidong-PDP Laban ni incoming President Rodrigo Duterte ang Liberal Party (LP) at ang Nationalist People’s Coalition (NPC).

Sa nasabing kowalisyon, inaasahang magiging manok para sa Senate Presidency ng 17th Congress si Sen. Koko Pimentel na presidente ng PDP-Laban.

Sina Pimentel, Franklin Drilon ng LP at Sen. Tito Sotto ng NPD ay nagdesisyon nang makaisa upang buuin ang ‘supermajority’ na bubuuin ng 18 senador, ayon sa ulat ng Inquirer.

Kailangan lamang ng 13 senador upang makuha ang majority sa 24 na miyembro ng Senado.

Sa ilalim ng kasunduan, sinabi ni Sotto na si Drilon na ang magiging Senate President Pro Tempore samantalang siya naman ang magiging majority leader.

Ang iba pang magiging bahagi ng supermajority ay sina senador Ralph Recto, Bam Aquino, Francis Pangilinan, Leila de Lima, Joel Villanueva, Risa Hontiveros na ansa ilalim ng Liberal Party; Sonny Angara, Panfilo Lacson, Grace Poe, Loren Legarda, Francis Escudero, Gregorio Honasan, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian at Manny Pacquiao na mga mula sa UNA, LDP at mga independent senators.

Una nang nakabuo ng kowalisyon sa House of Representatives kung saan magsisilbing House Speaker si incoming Rep. Pantaleon Alvarez ng PDP-Laban.

Dahil sa supermajority ng mga mambababatas, inaasahang posibleng mapadali ang mga pagbabagong nais na isulong ni incoming President Duterte.

Kabilang na dito ang pagpapalit tungong pederalismo at ang pagbabalik ng parusang bitay.

Read more...