Humihirit si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa international climate financing institutions na makipag tulungan sa lungsod para maayos na mailatag ang mga programang may kinalaman sa climate action plans.
Sa ganitong paraan, sinabi ni Belmonte na ito ay para makamit ang mitigation at adaptation targets.
Ginawa ni Belmonte ang pahayag kasama ni Mayor Barthélémy Toye Dias ng Dakar, Senegal sa closing plenary ng C40 World Mayors Summit sa Buenos Aires, Argentina.
“Please help the cities that have plans, that are prepared, that have the expertise to be able to execute and implement a plan towards fruition,” pahayag ni Belmonte.
Nabatid na natapos na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang strategic plan na Enhanced Local Climate Change Action Plan (Enhanced LCCAP) ng 2021 hanggang sa 2050.
Nagawa ito sa pamamagitan ng isang technical assistance mula sa C40 Cities, ang UK Government at ibang ibang non-government organizations.
“We have a plan with objectives, goals, and targets. In the global south, we have the political will, commitment, and conviction, and we know how urgent the problem is but we do not have the financial resources that we need to carry out this plan that you generously helped us create. I believe that you have a moral obligation to help the global south to see this plan to fruition otherwise they are just pieces of paper,” pahayag ni Belmonte.