National state of calamity, pinadedeklara ng NDRRMC

 

Inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magdeklara ng national state of calamity dahil sa Bagyong Paeng.

Ginawa ng NDRRMC ang rekomendasyon sa ipinatawag na full council meeting ni Pangulong Marcos.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Raymundo Ferrer, apektado kasi ang buong bansa dahil sa bagyo.

Sinabi naman ng Pangulo na pag-aaralan niya ang rekomendasyon ng NDRRMC.

Inatasan na rin ng Pangulo ang ibat ibang tanggapan ng pamahalaan na magpadala ng relief goods at malinis na tubig ang mga apektadong lugar.

Dapat aniyang magkaroon ng purifying systems.

“Dapat unahin natin when it comes to restoring power, mga ospital, mga evacuation centers,” pahayag ng Pangulo.

Agad namang nilinaw ni Department of National Defense (DND) officer-in-charge at NDRRMC chair, Undersecretary Jose Faustino Jr. na 45 lamang ang bilang ng nasawi.

 

 

Read more...