Middleman sa pagpatay kay Percy Lapid, namatay sa suffocation sa plastic bag

 

Namatay sa suffocation ang bilanggo na si Jun Villamor, ang middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Base ito sa isinagawang independent autopsy ng forensic pathologist na si Dotor Racquel Fortun.

Base sa autopsy, nagkaroon ng history ng asphyxia sa pamamagitan ng plastic bag suffocation si VIllamor.

Sinabi pa ni Fortun na nagkarooon ng pulmonary congestion, edema at hemorrhage si Villamor.

Nakitaan aniya na mayroong homicide sa kaso ni Villamor.

 

Read more...