Bagyong Paeng patungo na ng Marinduque, Metro Manila isinailalim sa Signal Number 3

 

Napanatili ng Bagyong Paeng ang lakas habang tinatahak ang hilagang bahagi ng Marinduque.

Ayon sa 11:00 a.m. advisory ng Pagasa, nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 3 na ang Metro Manila, Marinduque, northern at central portions ng Quezon (Pitogo, San Andres, Buenavista, Lucena City, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Tiaong, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, San Antonio, Alabat, Candelaria, Lucban, Sampaloc, Padre Burgos, Sariaya, City of Tayabas, Macalelon, Mauban, Dolores, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, Guinayangan, Calauag) including Pollilo Islands, Laguna, Batangas, Cavite, Rizal, Bataan, southern portion ng Zambales (Olongapo City, Subic, Castillejos, San Antonio), at Lubang Islands.

Nasa Tropipcal Cyclone Wind Signal Number 2 naman ang northwestern portion ng Sorsogon (Pilar, Donsol), western portion ng Masbate (Aroroy, Baleno, Mandaon) kasama na ang Burias Island, Camarines Sur, Camarines Norte, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, natitirang bahagi ng Quezon, Romblon, Nueva Ecija, Pangasinan, Albay, southern portion ng Aurora (San Luis, Baler, Dingalan, Maria Aurora), Bulacan, Pampanga, Tarlac, at natitirang bahagi ng Zambales.

Nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 din ang ilang lugar sa Visayas gaya ng northwestern portion ng Antique (Libertad, Pandan, Caluya Islands), western portion ng Aklan (Buruanga, Malay, Nabas, Ibajay, Tangalan, Makato, Numancia, Lezo.

Nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 naman ang Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Sur, La Union, natitirang bahagi ng Aurora, Catanduanes, natitirang bahagi ng Sorsogon, natitirang bahagi ng Masbate kasama na ang Ticao Island, at northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli, Roxas, San Vicente) kasama na ang Calamian at Cuyo Islands.

Nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 din ang ilang lugar sa Visayas gaya ng Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu kasama na ang Bantayan at Camotes Islands, Bohol, Negros Occidental, Negros Oriental, Guimaras, natitirang bahagi ng Aklan, natitirang bahagi ng Antique, Capiz, at Iloilo.

Namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Mogpog, Marinduque.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 95 kilometro kada oras at pagbugso na 130 kilometro kada oras.

 

Read more...