Manila North at South Cemetery sarado ngayong araw

 

Sarado ang Manila North at South Cemetery ngayong araw, Oktubre 29.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ito ay dahil sa sama ng panahon dulot ng Bagyong Paeng.

Pinapayuhan ang mga magtutungo sa sementeryo na huwag na munang ituloy ang pagdalaw sa mga puntod.

Sinuspendi na rin ni Lacuna ang klase sa lahat ng antas sa public at private schools pati na ang face-to-face at online classes.

Read more...