Polilio, Quezon niyanig ng lindol

 

Niyanig ng 3.4 magnitude na lindol ang Polilio, Quezon kaninang 5:56 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na tatlong kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity IV sa Polilio, Quezon,  Instrumental Intensity II sa Infanta at Alabat, Quezon at Instrumental Intensity I sa Mauban, Quezon.

Wala namang inaasahang aftershocks o tsunami.

Wala ring naiulat na nasirang ari-arian dahil sa lindol.

Read more...