Nag-landfall na ang Bagyong Paeng sa Camarines Sur.
Ayon sa Pagasa, nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 3 ang Camarines Norte, northern portion ngCamarines Sur (Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Cabusao, Magarao, Calabanga, Tinambac, Siruma, Goa, Tigaon, San Jose, Lagonoy, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Saglay, Ocampo, Pili, Bombon, Naga City, Del Gallego, Canaman, Camaligan, Milaor, Gainza, Pamplona), northern at eastern portions ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Calauag, Quezon, Lopez, Gumaca, Plaridel, Atimonan, Mauban, Perez, Alabat, Real, Infanta, General Nakar, Sampaloc) kasama na ang Pollilo Islands.
Nasa Signal Number 2 naman ang Albay, Sorsogon, northern at western portions ng Masbate (City of Masbate, Mobo, Aroroy, Baleno, Mandaon, Milagros, Uson, Balud, Dimasalang) kasama na ang Ticao at Burias Islands, natitirang bahagi ng Camarines Sur, Catanduanes, Marinduque, natitirang bahagi ng Quezon, Laguna, Batangas, Cavite, Metro Manila, Rizal, Bulacan, southern portion ng Aurora (San Luis, Baler, Dingalan, Maria Aurora), central at southern portions ng Nueva Ecija (City of Gapan, San Leonardo, Santo Domingo, Rizal, San Isidro, Laur, Zaragoza, Llanera, Aliaga, Palayan City, Gabaldon, General Mamerto Natividad, Cabanatuan City, Quezon, San Antonio, General Tinio, Santa Rosa, Penaranda, Jaen, Licab, Bongabon, Cabiao, Talavera, Science City of Munoz, Talugtug, Cuyapo, Guimba, Nampicuan, San Jose City), Tarlac, Pampanga, Bataan, Zambales, southern portion ng Pangasinan (Bautista, Bayambang, Mangatarem, Urbiztondo, Aguilar, Infanta), northern at central portions ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Pola, Socorro, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas), northern at central portions ng Occidental Mindoro (Sablayan, Santa Cruz, Mamburao, Abra de Ilog, Paluan) kasama na ang Lubang Islands, at Romblon.
Nasa Signal Numebr 2 din ang ilang lugar sa Visayas region gaya ng western portion ng Northern Samar (Capul, San Vicente, San Antonio, Allen, Lavezares, Biri, Victoria, Rosario, San Isidro, San Jose).
Nasa Signal Number 1 ang Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Sur, La Union, natitirang bahagi ng Aurora, natitirang bahagi ng Nueva Ecija, natitirang bahagi ng Pangasinan, natitirang bahagi ng Oriental Mindoro, natitirang bahagi ng Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) kasama na ang Calamian at Cuyo Islands, at ang natitirang bahagi ng Masbate.
Nasa Signal Number 1 din ang ilang lugar sa Visayas gaya ng natitirang bahagi ng Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu kasama na ang Bantayan at Camotes Islands, Bohol, Negros Occidental, Negros Oriental, Guimaras, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Siquijor.
Nasa Signal Number 1 din ang ilang lugar sa Mindanao gaya ng Dinagat Islands, Surigao del Norte kasama na ang Siargao at Bucas Grande Islands, at Camiguin.
Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Siruma, Camarines Sur.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 95 kilometro kada oras at pagbugso na 160 kilometro kada oras.
Sa Nobyembre 1, inaasahang nasa 345 kilometro kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte o labas na ng Philippine Area of Responsibility.