Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pabahay ng pamahalaan sa Nangka, Marikina City.
Bahagi ito ng Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino: Zero Informal Settler Family 2028 Program.
Nabatid na nasa 10,000 minimum wage earners at city government employees ang makikinabang sa pabahay.
Kasama ng pangulo sa groundbraking ng five-hecatre project si Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Departnment of Human Settlements and Urban Development at Marikina Mayor Marcelino Teodoro.
Nabatid na ang Bagong Sibol Housing Project ay ang ikalawang housing project na sinimulang gawin sa National Capital Region.
Unang inilunsad ang unang Bagong Sibol Project noong Setyembre 22 sa Harmony Hills Terraces sa Quezon City.
Target ng administrasyon na makapagpatayo ng bahay ng 6.6 milyon bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos sa 2028.