Handa na ang Metro Manila Development Authority para sa paggunita ng Undas.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni MMDA spokesman Attorney Melissa Carunungan na 1,500 na personnel ang ipakakalat ng kanilang hanap para sa traffic management sa mga bus terminal at sa mga malalaking sementeryo sa Metro Manila.
Sinabi pa ni Carunungan na mayroon ding 300 na personnel mula sa Metro Parkway Clearing Group.
May mga naka-standby din aniya na mga rescue personnel na nakahandang rumesponde oras na may emergency.
Sususpendihin din ng MMDa ang number coding scheme simula sa Oktubre 29 hanggang sa Nobyembre 1.
Muling iiral aniya ang number coding scheme sa Nobyembre 2.
“There will be an influx of passengers po sa aming..mga tao po malapit sa mga major public cemeteries. So we will be there, the MMDA will be there po para to help in the traffic management in those areas po,” pahayag ni Carunungan..
Ayon kay Carunungan, asahan na ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal.
Kanya kanya kasi aniyang uwi sa probinsya ang mga pasahero.
Kaya tinitiyak ng MMDA na magiging maayos ang lagay ng trapiko sa kalakhang Maynila.
“So, iyong MMDA po ay nagtulong na po sa mga LGUs regarding to cleaning their cemeteries po before Undas. We’ve help din po sa pruning at trimming of the trees po sa mga cemeteries. During Undas naman po ay may mga personnel po sila that will do the cleaning tapos we will help po after Undas. During Undas po, we also have public assistance center in major public cemeteries. There will be rescue teams that will be on standby there just in case of any emergencies po,” pahayag ni Carunungan.