Bawal magsigarilyo sa sementeryo, libingan – MMDA

Pinaalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga sementeryo at memorial parks.

Ayon kay MMDA acting Chairman Carlo Dimayuga III  ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila ay may ordinansa na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

“All LGUs in NCR do not allow smoking in specific public places including cemeteries, memorial parks, and columbaria,” ani Dimayuga.

Inatasan ang mga binuong Smore-Free Task Forces na tiyakin na nasusunod ang anti-smoking ordinances.

Nabatid na magmumulta ng P500 hanggang P5,000 ang mga mahuhuling lalabag.

Kasabay nito, paalala lang din ng opisyal na mag-ingat pa rin ang mga dadalaw sa mga puntod at sundin ang COVID 19 minimum health protocols.

Read more...