Norwegian psychiatrist huli sa P56.7M halaga ng shabu sa NAIA

 

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs – NAIA ang isang babaeng Norwegian national matapos madiskubre ang bitbit nitong 8.3 kilo ng shabu.

Base sa paunang impormasyon, kinilala ang naaresto na si Rose Alex Moi, 59, isang special psychiatrist.

Sakay ang suspek ng Emirates flight EK 0334 mula sa Dubai, United Arab Emirates.

Nabatid na alas-12:30 nang arestuhin si Moi sa Customs International Arrival Area sa NAIA Terminal 3.

Nadiskubre ang P56.7 milyong halaga ng shabu sa kanyang bagahe at ang mga ito ay binalot ng packaging tape kasama ang  kanyang mga damit.

Read more...